CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Thursday, January 31, 2008

paglubog ng araw...





And God saw every thing that he had made and, behold, it was very good.Genesis 1:31




pag nakikita ko ang pag-lubog ng araw, madami akong naalala...




- nung bata pa ko, mga 4 ata ako nun, nakatira pa kami sa diliman.. pag palubog na ang araw, natatandaan ko yun kulay ng kwarto namin.. parang naiiba.. tapos ang tugtog na madalas noon sa radyo.. wind beneath my wings.. naalala ko yun tatay at nanay ko na naguusap habang hinihintay maiinin ang sinaing at ako nagkukulay sa maliit kong lamesa.. pag nakikita ko yun paglubog ng araw, naalala ko yun panahon na kaming 3 lang nila nanay at tatay..




-nung 6 ako, lumipat kami sa Dagupan... (sa bayan ng mga bangus, malayo) yun apartment namin.. ganun din yun nagiging kulay sa dati naming tinirahan sa diliman tuwing lulubog ang araw. sa likod ng bahay.. may fishpond.. pag nakikita ko ang paglubog ng araw sa lugar na yun.. naalala ko yun buhay namin nung nasa metro manila pa kami.. kahit bata pa ko nun.. naiisip ko na ang pagbabago ng buhay ko simula nung lumipat kami sa probinsya... may tugtog din yun na kasabay minsan.. kung hindi sa dzas.. yun ariel rivera ata yun madalas kong marinig. tapos yun palabas ni rey langit.. pinapanood ko. yun lang kasi nakukuha sa tv namin nung bagong lipat kami.. ewan ko ba.. basta si rey langit... memorable.. ahaha!




-simula nung nag-grade 1 ako, ang sunset ay simbolo ng "uwian" sa opisina... kasi lagi ako nasa opisina ng nanay ko.. s optical na pinapasukan nya.. pag hapon, mga bago mag 6, nammalenke sya.. pag lumalabas kami.. yun kulay ng langit.. bughaw pa din.. madalas.. kahit sunset.. ibang iba noong bata bata pa ko.. may kanta din na lagi ako naririnig noon e.. macarena ata saka sha lala lala! hehe.. saka minsan ata jessa zaragoza.. lalim! haha! minsan pala naglilibrary ako.. kasi malapit lang ang city library doon, mga 5 na ko umuuwi.. yun kulay ng library pag malapit na magsunset.. naiiba din.. yun sahig na gawa sa kahoy.. parang mas nagiging makintab.. nung mga grade 5, nakakauwi na ko sa bahay mag isa.. di ko nakikita sunset noon kasi madalas akong laman ng tv.. mtv pala.. nood nood nood.. basat addict ako sa tv nun.,. pero ang mga kanta noon, mga old school.. kapanahunan ni tatay at nanay.. beatles, bread.. jackson.. basta..




-nung highschool.. nakikita ko lang ang sunset pag nagpupunta ako sa beach.. yun kasi peyborits ng nanay at tatay ko minsang gawin.. magbeach pag malapit na mag sunset.. kahit na nung bata pa ko.. yun din ginagawa namin.. wala lang.. maglalakad tapos titingin sa dagat.. magkkwentuhan sila.. pati ako nakikisabit.. hehe.. kanta noon e parokya ni edgar.. peyborits din kasi ng tatay ko...




-nung 3rd year na ko, tumira kami sa ikatlong palapag na apartment. duon, madalas ko makita sunset.. halos araw-araw.. ang ganda. saka mahangin dun.. hanngang gnayon dun padin nakatira sila tatay e.. araw araw pa din nila nakikita yun sunset.. lahat ng kulay sa langit makikita mo.. wala akong kamera kasi.. kaya hanggang describe nalang.. lowtech naman yun nasa cp ko dati..


pero yun kulaay.. minsan parang ube na asul.. minsan asul.. tapos may dila at orange.. pupurihin mo talga and Panginoon pag nakita mo ang langit.. tila painting.. may kanta din dito.. mga alternative songs.. old school alternative.. closing time.. everything, coldplay.. blind melon..




-nung nagdorm ako, yun sunset nakikita ko sa mga spaces ng puno sa gilid ng kwarto namin.. maganda to.. yun kwarto namin parang nagiging yellow din, ang kanta dito e.. cold play padin.. saka yun jam 88.3 na stasyon..




-yun mga nakaraan.. (lately) sunset sa schhol.. eduacation building 8th floor saka mga ilang linggo sa landbank main office..


walang kanta.. ingay lang ng mga kaklase,,, sayang nga e.. kasi pag may sunset.. parang di ko man lang matignan.. nakakalunkot kasi e..




ito yun sunset na kung saan naalala ko yun mga nakaraang sunset.. pamilya at kaibigan.. ngayon kasi pag sunset.. yun mga gusto ko makasama minsan wala..










si kookoo, yun kaibigan ko.. mahilig sa sunset.. ako di masyado.. malungot kasi minsn para sa 'kin..


pero sa kanya ko natutunan ang pagtingin dito sa kakaibang pananaw..




na tunay ngang maganda to.. at nag-iiba iba..






minsan malunkot..minsan masaya, oo masaya.. nalala ko.. uli yun verse sa taas.. saka puno ito ng ala-alang habang buhay kong dala.. :)




sunset na kuha ni kookoo..

Wednesday, January 30, 2008





whew!






at last.. i get to have a new home for my thoughts aside from my brain..






i hope you can get to read and see my old blog.. but put your comments in this site.. :)






i was thinking this "home" would be better,bolder, and is more fun than my last one..






.. take a look at my old first ok..












will write again tomorrow..






have fun!