ngayong linggo.. may mga pag-usap na di mawaglit sa isip ko..
nung isang araw...
"i feel sad" sabi ko sa kaibigan ko..
"masyado ako masaya ngayon para maging malungkot para sa 'yo e.." sabi nya.. sabay punta sa kabilang side ng room ata yun..
Hindi ko naman hinihingi na maging malungkot siya. Masaya ako para sa nararamdaman niya. Pero yun nga lang, di naman siya pwedeng maging malungkot para sa akin.. dahil masaya nga siya.
Bihira ko lang sabihin ang mga katagang yun sa isang kaibigan.. at ang ganung "reply" ang dahilan kung bakit di ko yun sinasabi ng madalas..
...
ayun.. naglabas lang ng sama ng loob.
Friday, February 22, 2008
naisip ko nanaman
Posted by jez at 7:06 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
kahit na tampulan talaga ng kalungkutan ko yung blog ko, naiisip ko rin yung naiisip mo. Bigla ko tuloy naalala yung isa kong kaibigan at blogger din, si mamarakz, nung minsang nabasa niya na sobrang lungkot ko sa isang entry ko. ayun, tinext niya pa ako at pakiramdam ko nahawa siya sa kalungkutan ko.. sa mga ganitong pagkakataon, pasalamat na lang talaga tayo na may mga kaibigan tayong nasasandalan at may concern sa atin..
http://hiraya.co.nr
ang iksi ng post mo pero loaded with message kaya napaisip din ako. :)
may mga friends talagang ganyan, minsan nga halos nakakasama ng loob pag ganun ang sagot? pero hindi naman natin sila masisi kasi baka hindi ganuon kalakas ang kakayahan nilang magdala ng 'burden' ng iba.
pero sa tutuo lang, malaking bagay din yung may "makikinig lang" sayo, maski manahimik lang sya at hindi magbigay ng anumang payo. a 'shoulder to cry on' eka nga o yung maski simpleng mapagbubuntung-hiningahan lang. :)
God bless sayo, kapatid.
@fjordan
ang nice nga ng feeling pag nararamdaman natin concern ng friends natin.. :)
@kuya homebodyhubby
yup.. thanks kuya.. ewan ko lang naman bakit may mga kaibigan na di na nga kaya makinig.. e pati mga banat nila di naman nakakatulong.. hehe.. basta.. haha.. madali magkaroon ng kaibigan.. ngunit mahirap humanap ng kaibigang makikinig at kaibigang makakainitindi minsan.
Post a Comment