CLICK HERE FOR THOUSANDS OF FREE BLOGGER TEMPLATES »

Sunday, May 18, 2008

marami pa ko gusto gawin bukod sa umupo sa opisina ng buong araw...

Nakakatakot baka ang bagay na pinili ko ngayon ay ‘di pala ang siyang nararapat para sa ‘kin.

Ang trabaho ko ngayon, ‘di ko alam kung gusto ko talga. Natatakot ako baka nasasayang ang panahon ko. KApag ba sinasabi ko sa sarili ko na enjoy ako eh ‘di ba ito gaya ng “self defense”.. pinapaniwala ko lang ba ang sarili ko na masaya talga ko? Sabagay, naniniwala din anamn ako na makapangyarihan ang utak natin. Kung ano iisipin natin ay siya din namang magkakatotoo. Kung iniisip ko na masaya at “enjoy” kung anong meron ako, aba, baka sakaling totoo at ito nga ang mangayayari o nangyayari.

Noong una, akala ko talga ok na ko. Ngunit kanina, isang kaibigan ang nagtanong kung ano ang trabaho ko... tinanong din niya kung magkano ang naiuuwi kong sweldo. Bigla ba naamng banat e, maliit daw yun para sa isang tulad ko. Ano nga ba ko? Ang matataas ko bang grades ang basihan kung ano ako sa trabaho? O ang ginagawa ko at nararamdaman ko sa tuwing ako ay nagtratrabaho. Nagpaapekto ako sa sinabi niya.. OO.. totoo yun.. Isa kasi siya sa taong mataas ang tingin ko.. yun tipong pag nakikita ko at naririnig ang “achievments” nya sa kanyang career, nasasbi ko dati nung nasa kolehiyo pa ko na gusto ko rin amging ganun. Ngayon na ako mismo ay nasa mundo na ng “pagtratrabaho” biglang nabago ang pananaw ko... kasabay dito ang pagbibigay ko ng “commitment” sa Panginoon sa aming simbahan.

Nararamdaman ko na ang pagtanda at pagkakaroon ng responsibilidad. Totoo ngang habang tumatanda tayo dumadami ang responsibilidad natin. Responsibildad ko na ngayon na pumili kung ano ang gagawin ko, saan ako magtratrabaho, saan ako titira o kung saan ako mapapadpad. Pero nakikita ko sa sarili ko na inaayawan kong akuin ang mga resposnibildad na nabanggit ko... Bait.. Naiinis na ko sa sarili ko..

Bakit ako nagpa-apekto sa sinabi nya.. “ang liit ng sweldo mo, sa tipo mong yan.. maghanap ka pa…”

Sumagot akong apektado, “oo nga.. saan aba ko magtratrabaho.. saan ba maganda, sige maghahanap pa ko..”

Tsk tsk tsk… Ni hindi ko man lang pinagtanggol ang napili kong trabaho kung bakit yun ang napili ko… Bakit nga bay un ang napili ko..? akala ko naman kasi maganda na ‘yun.. ano ba ano baa no ba…

Parang sasabog utak ko sa kakaisip…

-ang nais kong paglisan sa bahay na tinitirahan ko ngayon
-trabaho
-trabaho
-at kung ano ano pang mga lubak ng buhay….

Alam ko dapat di ko to gawin sa sarili ko… malamang sasabihin nanaman ng mga tao.. “kaya mo yan…” dumaan din ako dyan”

Sasabihin ni Erickson.. “intimacy vs. isolation” yan..

Hay.. mahirap magisip pero habang naiisip ko to, humiginhawa din pakiramdam ko.. ok ok…

Naiisip ko pa din ang sinabi ng kaibigan ko kanina tungkol sa trabaho…

4 comments:

Anonymous said...

toinks!

at talagang may teorya pa ni Erikson ah..

hehe..

kung habang nag-iisip ka ay nahihiwagaan ka sa buhay,

edi mabuti pang wag ng mag-isip..

nyehe!

joke lang.. =D

kaya mo yan ate...

tandaan, wala ng 'madali' ngayon...
kailangan pag-hirapan ang lahat ng bagay...

parang naglalakbay sa isang malawak na kagubatan at napadaan sa isang kweba... (kung saan madilim, mainit, mabaho) ngunit tinatahak pa rin ng ating mga paa dahil alam natin na sa likod ng kwebang iyon, naroroon ang gusto nating tahakin.. (kung saan matatagpuan ang isang paraiso: maganda, makulay, at puno ng kasiyahan...)

hehe.. ayos ba sa analogy?? toinks!

always pray lang... at wag magmadali... (kagaya ng kwento nila abraham at sarah... pinangakuan ng Diyos na sila'y magkakaanak... hanggang sa magkaanak sila, sinubok pa rin ng Diyos ang kanilang pananampalataya..) Kung maghihintay lang tayo, edi masusumpungan natin ang kasiyahan ng buhay...

aba! magppreach ba ako d2?? bwaha!!

GODBLESS! BLESSGOD!!

Anonymous said...

Pagtatapos nga ang graduation; isa ding tulay tungo sa panibagong uri ng hamon sa buhay (naks!). Umpisa pa lang uli yan, hehe. Kaya mo yan, kapatid. God bless! ;)

By day way, hindi ba kayo naapektuhan ni "Kosme"?

Dear Hiraya said...

tama si ginoong lapis.. wag madali.. alam mo ba ako.. sobra ako kung umasam.. gusto ko ganito.. gusto ko ganun.. minamdali ko rin ang sarili ko dahil ayaw ko nang maging estudyante.. nagtatrabaho ako ngayon kahit nag-aaral.. wala lang.. gusto ko lang..

mraming mga bagay tayong meron sa sarili natin at pinahahalagahan natin pero kung ikukumpara mo ito sa iba, madidisappoint ka lang. Dahil ang hahanapin mo sa iba ay ang itinaas ng nila sa estado natin. Ibang iba. At hindi dapat ganun..

ang gulo ko rin nu?

basta..
hindi ko maexplain ng maayos kasi magulo rin ang buhay ko ngayon..

pero, magiging maayos din tayo pare-pareho...

http://hiraya.co.nr

Anonymous said...

Thanks for writing this.