nasubukan mo na bang matakot?
malamang oo...
ayon sa pinagaralan namin nung kolehiyo pa ko.. mahigit sa isang daan ang tinatawag na "phobia" ng madaming tao...
kagabi nanood ako ng "fear factor" at marami nga naman doon ay hahamon sa lakas na loob.. iniisip ko yuloy, saan ba ako natatkot?
bigla ako nakatanggap ng sms galing sa pinsan ko.. ayun! alam ko na kung ano kinatatakutan ko..
hehe.. di si pinsan o ang celphone.. ang weird pero natatakot ako sa "kamaganak' ko.. oo.. pag pinaguusapan ang pinsan, o aunti o uncle.. napapatahimik ako...
magisang anak lang ako.. naalala ko, nung nakaraang linggo, may nangyari sakin at pinagtanggol ako ni inay at itay... e sabi ko wag na nilang gawin.. ok lang ako.. (kahit di naman) oo, si "kamaganak" yun napagsama ng loob ko...
bata palang ako.. natatakot na ko sa mga yun.. para silang mga 'boss" sa kumpanya na dati kong pinagtratrabahuhan.. dapat ko din silang pagsilbihan... oo siguro onligasyon ko yun.. pinagsisilihan ko ang magulang kasi mahal ko sila at nararamdaman ko.. pero si aunti at uncle.. hay juice ko.. apple juice kalamnsi juice ko po!
pag sila naaalala ko.. madami akong naaalalang di kanais-nais na bagay.. grabee.. para bang matutulala ko tapos maalala ko din yun scene sa time zone.. tadadadadan... basta...
ayun yun pala siguro phobia ko... having contact with a relative.. lalo na uncles and aunties.. para bang kakainin nila ko kasi ng buhay kahit di naman..
ay.. at saka pala sa mga overpass na yun hagdanan butas butas.. medyo naiilang ako dumaan dun..
kahit na may mga "phobia' ako... ok alng naman.. wala naamng imposible kay God e.. aalisin nya yun..
I can do all things through Christ who gives me strenth.. ika nga sa bible..
kaya sige na.. bukas haharap na ko sa mga hurado na binunuo ng angkan ng aking ama.. aka aunties.. apol juice ko po.. nakakakakaba!!!!
Thursday, November 13, 2008
fear factor ... jezreel version.. hehe
Posted by jez at 2:51 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
Ako takot sa heights, maski sa TV lang pag ang view ay from top of a building looking down, parang nawawalan ng laman ang aking sikmura... :( pero hindi pa naman acrophobia.
Sabi nila, the best way to deal with (overcome) your fear is to face it -- kaya nuon sinubukan kong umakyat ng tore ng PhilRice, saka mamundok sa mga bangin, effective naman... Kaya lang bumabalik na naman ngayon kasi hindi ako masyado naglalalabas ng bahay. :P
Kung anuman yung bukas, cool ka lang, iha... God bless.
Post a Comment